Tayo ngayo'y nabubuhay Sa panahong maselang Kaya nga ang kailangan Mag-ingat araw-araw, Masda't palagi na lamang Ang mga kaguluhan At itong buong nilalang Lagi sa panambitan.
Upang kayo'y makatagal Sa masamang araw Ang baluti ng katwiran Isakbat nang b'ong tibay, Ibigkis sa inyong baywang Mga katotohanan Sa paa'y kapayapaan At ang tabak sa kamay.
Ang hukbo ng kasamaan, Mahigpit na kaaway, Ay nangagpipisan-pisan Sa malaking digmaan, Ang kanilang kalakasan Tinitipong mainam; Kaya nga't sa tunggalian Ikaw nama'y lumaan.